GITNANG PARTE


PAMAGAT

Makikita agad ang pamagat ng akda na Noli me Tangere kung unang titingnan ang pabalat. Ang pamagat ay nangangahulugang ‘Huwag mo Akong Salingin’ na nagbibigay ng mataas na damdamin. Simbolo ng pag-aaklas at paglaban para sa bayan.


PAGHAHATI

Ito ay naghahati ng dalawang bahagi ng pabalat, ang taas at ang baba. Ang paghahating ito ay nagbuo ng dalawang triyangulo na sumisimbolo sa dalawang kapanahunan.
Ang taas na parte ay sumisimbolo sa nakaraan ng mga Pilipino, at ang nasa ibabang parte naman ay sumisimbolo sa hinaharap ng mga Pilipino sa loob ng pamamahala ng mga Espanyol.


PAGBABANTA

Naglalahad ito na pwedeng hindi basahin ang libro ng mga Pilipinong nakahanda na mamuhay ang kaniyang magiging anak at apo sa bulok na pamamalakad ng mga Espanyol.
Nagbabala sa mga pwedeng mangyari sa buhay ng mga taong nakapagbasa nito sa kaniyang panahon.


PWESTO NG PAMAGAT

Mula sa baba sa parteng kanan pataas sa may bahagi ng krus at tanim na kalamansi, makikitang ang hugis na ito ay parang pataas na bundok.


SANDATA AT PANULAT

Makikita sa letrang ‘T’ ng Tangere ang anyo ng espada. Ang espada ay sumisimbolo sa pagtutunggali at aksyon, na siya ring isa sa ginawa ng mga tauhan sa kuwento.
At sa parehong letra naman, makikita sa tangkay ang hugis ng dulo ng sinaunang panulat. Sumasalamin ito sa isa pang uri ng armas sa pakikipaglaban na ginamit ni Rizal.

( Made with Carrd )